DOJ, ibinigay na sa PNP at NBI ang MOA draft ng imbestigasyon sa war on drugs

35

Ibinigay na ng Department of Justice (DOJ) ang kopya ng draft Memorandum of Agreement (MOA) ng kanilang imbestigasyon sa drug war operations sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP).

Ito ay para simulan na ng NBI at PNP ang joint investigastion para sa mga suspek na napatay sa anti- illegal drug operations.

Pero, ayon sa DOJ, maaaring palawakin pa ng dalawang ahensya ang imbestigasyon dahil tanging ang mga napatay na umano’y nanlaban lamang ang sakop ng MOA.


Sa ngayon, nasa 153 pulis lamang ang tinukoy ng PNP Internal Affairs Service (IAS) na sangkot sa kasong administratibo.

Facebook Comments