Las Piñas LGU, may payo sa publiko kaugnay sa pagbili ng karne

39

Pinapaalalahanan ng Las Piñas City government ang lahat ng mamimili na hanapin ang Meat Inspection Certificate (MIC) o ang Certificate of Meat Inspection (COMI) sa mga binibiling karne.

Ayon sa Las Piñas Local Government Unit (LGU), ito ay upang matiyak na ang karne ay ligtas at dumaan sa tamang inspeksyon at proseso ng pagkakatay.

Ang payo ng pamahalaan lokal ng Las Piñas sa publiko ay bahagi ng pakikiisa nito sa Department of Agriculture – National Meat Inspection Service (DA-NMIS) sa pag-celebrate ng Meat Safety Consciousness Week ngayong October 18-22, 2021.


Ang nabanggit na selebrasyon ay may temang “Kalusugan ng Lahat ay Mithiin, Karneng Ligtas Dapat Tangkilikin”

Facebook Comments