Ikinatuwa ni DOJ Sec. Menardo Guevarra ang pagtatakda ng QC Regional Trial Court na petsa ng pagbababa ng hatol sa Maguindanao massacre case.
Ayon kay Sec. Guevarra, sa wakas ay dumating na rin ang pìnakahihintay ng lahat na hustisya para sa mga biktima ng karumal-dumal na krimen.
Nagpasalamat din si Guevarra kay Judge Jocelyn Solis-Reyes sa naging matiyaga nitong paghawak sa kaso.
Una nang Itinakda na ng Quezon City Regional Trial Court ang petsa ng promulgasyon sa Maguindanao Massacre sa December 19, 2019, alas-nuebe ng umaga sa Quezon City RTC-Annex, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig.
Facebook Comments