Nagpasya ang inter-agency panel na pinamumunuan ng Department of Justice (DOJ) na i-urong sa Disyembre ang paglalabas ng report sa pag-review ng higit 5,000 anti-illegal drug operations.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang mga nagdaang bagyo sa bansa ang dahilan kung bakit naantala ang trabaho ng panel.
Aniya, kasalukuyan nang binubuo ng review panel ang initial report.
Matatandaang sinabi ni Guevarra sa 44th Session ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na nagsasagawa na ng judicious review ang Pilipinas sa 5,655 anti-illegal drug operations kung saan may mga namatay.
Ang Commission on Human Rights (CHR) ay kasama sa mekanismo na magsisilbing independent monitoring body.
Facebook Comments