DOJ, inaabangan ang desisyon ng DFA AT DOLE para makagawa ng hakbang hinggil sa nangyayaring tensyon sa 

Magbabase si Justice Secretary Menardo Guevarra ng kanyang susunod na hakbang sa plano ng Department of Foreign Affairs (DFA), at ng Department of Labor and Employment (DOLE) para maproktektahan ang mga pinoy na posibleng maipit sa panibangong tensyon ngayon sa middle east

Ayon sa kalihim handa niyang atasan ang Bureau of Immigration (BI)na pigilan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na papunta ng Iran, Iraq at Libya para magtrabaho sa oras na ipatupad ang deployment ban.

Handa aniya niyang sundin ang magiging hakbang ng DFA at DOLE hinggil sa nasabing tensyon na nag ugat sa ginawang pag atake ng Estados Unidos sa iraq na nag resulta sa pagkamatay ng isang top Iranian Military Commander.


Base sa datos Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) nasa 1.2 million Filipinos ang nasa Middle East.

Una nang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na lahat ng pinoy na nagta-trabaho sa Iran ay ilegal dahil walang existing labor agreement ang ang pilipinas sa nasabing bansa.

Facebook Comments