DOJ, inatasan ang mga kawani ng NBI na makiisa sa campaign rallies para mahuli sa akto ang mga nagbo-vote buying

Pinakikilos ng Department of Justice (DOJ) ang mga kawani ng National Bureau of Investigation (NBI) upang mahuli sa akto ang mga lumalabag sa vote buying.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na dapat lumabas ang mga ito o sumama sa campaign rallies at sorties nang sa ganon ay mahuli sa akto ang mga bumibili ng boto.

Ani Guevarra, kapag caught in the act ang vote buying ay maaaring ipatupad ang warrantless arrest.


Kasunod nito, pinatututukan ng DOJ sa lahat ng attached agencies nito na bigyang prayoridad ang mga reklamong may kinalaman sa vote buying.

Facebook Comments