Malaking bilang ng OFWs, inaasahang dadagsa sa Hong Kong simula bukas

51

Inaasahan bukas, Abril 1 ang pagdagsa sa Hong Kong ng malaking bilang ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ito ay matapos na alisin ng Hong Kong government ang travel ban sa Pilipinas at 8 iba pang mga bansa epektibo bukas.

Bukod sa OFWs, ang mga residente ng Hong Kong na stranded sa Pilipinas ay maaari na ring bumalik doon simula bukas.


Una nang nagpatupad ang Hong Kong government ng ilang buwang flight ban sa Pilipinas matapos ang ika-5 wave ng COVID-19 doon kung saan milyong mga indibidwal ang na-infect.

Facebook Comments