DOJ, inatasan ang NBI na arestuhin ang dating pulis at umaming leader ng Davao Death Squad na si Lascañas

Manila, Philippines – Inatasan ng DOJ ang NBI na makipag-ugnayan sa International Police Organization o Interpol para sa pag-aresto sa retiradong pulis na si Arturo LascaƱas.

Si LascaƱas ay ipinapaaresto ng Davao City Court dahil sa kasong frustrated murder at murder kaugnay sa pagkamatay ng radio broadcaster na si Juan Porras Jun Pala noong 2003.

Ipinag-utos ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kay NBI Director Dante Gierran na makipag-ugnayan sa Interpol para makakuha ng impormasyon sa kinaroroonan ni LascaƱas at sa iba pang otoridad para ito ay maaresto.


Umalis si LascaƱas sa bansa patungong Singapore noong April 8 dahil sa pangamba sa kanyang buhay. Isiniwalat ni LascaƱas sa pagdinig ng Senado na siya ay miyembro ng Davao Death Squad at siya ang team leader ng grupo.

Una na ring inamin ni LascaƱas na nakakatanggap sila ng bayad mula kay Duterte noong Mayor pa ito ng Davao City para sa pagpaslang kay Pala na kritiko nito.
DZXL558

Facebook Comments