DOJ, inatasan ang NBI na imbestigahan ang kasong pagpaslang sa isang beteranong broadcaster na si Percy Lapid

Pumasok na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) upang magsagawa ng malalimang imbestigasyon tungkol sa pagpaslang sa beteranong broadcaster na si Percival Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid.

Ito ang kautusan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Sisimulan kaagad ni NBI Criminal Intelligence Division and Intelligence Service Head Agent Sixto Comia ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon upang matukoy kung sino nag nasa likod ng pagpaslang kay Lapid na pinagbabaril ng hindi pa kilalang mga suspek noong pasado alas-8:00 ng gabi noong Lunes sa BF Resort Village, Talon Dos, Las Piñas City.


Matatandaan na papauwi na sana sa kanilang bahay si Lapid nang tambangan at pagbabarilin ng riding in tandem.

Titingnan ngayon ng NBI kung sinu-sinong mga personalidad na madalas binabanatan sa radio at online broadcast ni Percy Lapid sa kanyang programang “Percy Lapid Fire” upang makakuha ng lead ang mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng pagpaslang sa isang beteranong broadcaster.

Facebook Comments