Pagbisita ng DZXL 558 Radyo Trabaho sa PESO Navotas, tuloy na ngayong araw

33

Matapos ang ilang beses na resched, matutuloy na ngayong araw ang courtesy visit sa Navotas City PESO.

Mamayang alas-10:00 ng umaga haharap ang DZXL Radyo Trabaho team kay PESO Manager Estelita Nolasco Aguilar.

Ito na ang pang 16 o pangalawa sa natitirang Kagawaran ng Pampublikong Serbisyo sa Pag-eempleyo o Public Employment Services Office (PESO) sa National Capital Region na ating kakamustahin.


Samantala, naging makabuluhan at mainit kahapon ang pagtanggap ng Laguna Provincial PESO sa ating team sa pangunguna ng kanilang PPESO Manager Mary Jane Corcuera.

Ibinida ni Manager Corcuera ang kauna-unahang online job portal sa bansa na kanilang sinimulan sa PESO noong pandemya at patuloy na napapakinabangan ng mga taga-Laguna.

Makikita sa nasabing online job portal na Provincial of Laguna Employment and Information System o PLEIS ang listahan ng mga kompanya at mga job vacancy na pwedeng aplayan.



Facebook Comments