DOJ, inatasan na ang NBI na imbestigahan ang nangyaring pagpatay sa isang hukom ng Manila RTC

Inatasan na ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na simulan na ang imbestigasyon sa pagpatay kay Judge Maria Teresa Abadilla ng Manila Regional Trial Court.

Ayon kay Guevarra, bagama’t maituturing na internal issue ang insidente, nais niyang imbestigahan pa rin ito ng NBI lalo na’t ang insidente ay magdudulot ng implikasyon sa seguridad ng mga hukom at ng mga mahistrado.

Welcome naman para sa Korte Suprema ang gagawing parallel investigation ng NBI sa kaso ni Judge Abadilla kung saan maging sila ay sinimulan na rin ang sariling pagsisiyasat sa insidente.


Kaugnay nito, pinahigpitan naman ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta ang seguridad sa mga korte kay Court Administrator Jose Midas Marquez.

Matatandaan na noong Miyerkules ay binaril si Abadilla sa loob ng opisina nito sa Manila RTC Branch 45 ng mismong Clerk of Court nito na si Amador Rebato, Jr. na nagbaril din sa sarili matapos ang krimen.

Facebook Comments