Manila, Philippines – Kinumpirma ng Dept. of Justice na may direktiba sa kanila ang Pangulong Duterte na bilisan ang imbestigasyon sa kaso ng pagpatay kay Kian Loyd delos Santos.
Ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes, ito mismo ang mahigpit na bilin ng pangulo kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre.
Nilinaw naman ni Balmes na wala nang iba pang instruction ang Pangulong Duterte sa kahilim.
Magugunitang una nang pinagdudahan si Aguirre hinggil sa paghawak ng DOJ sa kaso pagpatay kay Kian matapos itong magpahiwatig ng pagkampi sa mga pulis na sangkot sa nasabing kaso.
Noong nakalipas na linggo, kapwa naghain ng kaso sa Dept. of Justice ang NBI at Public Attorney’s Office laban sa mga pulis na pumatay sa Grade 11 student.
Facebook Comments