DOJ, ipinag-utos na sa NBI na hanapin ang nasa likod ng pekeng audio message ni PBBM

Ipinag-utos na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa National Bureau of Investigation (NBI) ang agarang imbestigasyon para malaman kung sino ang nagpakalat ng pekeng audio gamit ang boses ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ay may kaugnayan sa inalabas na kautusan gamit ang artificial intelligence (AI) na paigtingin pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagbabantay kontra China.

Ang naturang video ay kumalat sa social media platforms kung saan una na itong ipinatanggal ng Department of Information and Communications Technology (DICT) matapos kumpirmahin ng Presidential Communications Office (PCO) na peke ito.


Iginiit ni Remulla na kinakailangang mapanagot ang mga nasa likod nito at magsagawa ng malalimang imbestigasyon para malaman ang katotohanan.

Ipinag-utos din ng kalihim sa NBI na sampahan ng kaukulang kaso ang mga nagpakalat ng fake news.

Facebook Comments