Bagong resolusyon para sa pagsusulong sa ConCon, nakatakdang ihain sa Senado sa susunod na linggo

Ihahain na ni Senador Robin Padilla sa susunod na linggo ang bagong resolusyon para sa pagsusulong ng Constitutional Convention (ConCon).

Layon nito na maamyendahan ang ilang economic at political provisions ng Saligang Batas.

Ayon kay Padilla, chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, hihingi siya ng tulong sa dalawang dating finance secretaries para matiyak na hindi masyadong magastos ang ConCon.


Aniya, kailangan nang isabay ang pagbabago sa economic at political na probisyon, matapos makita ng ilang mambabatas at mga lokal na pamahalaan ang problema sa ilang probisyon ng 1987 Constitution.

Kabilang dito ang panawagan ng mga konsehal na gawing limang taon ang termino ng lokal na opisyal sa halip na tatlo para magkaroon daw sila ng sapat na panahong na maipatupad ang kanilang mga programa.

Facebook Comments