DOJ, itinangging binawi ng Degamo killings suspects ang kanilang naunang statements

Pinabulaanan ng Department of Justice (DOJ) na binawi ng 11 nakakulong na suspects sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo ang nauna nilang statements.

Ayon kay Justice Spokesman Atty. Mico Clavano, walang nangyaring recantation kahit na kumuha na ng private lawyers ang mga suspek.

Iginiit naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi naman imposibleng baguhin ng mga suspek ang kanilang statements, peeo kampante naman aniya ang DOJ.


Ayon kay Remulla, ito ay dahil sa may mga kaharap naman na abogado ang mga suspek nang sila ay kunan ng testimonya.

Tiniyak din ng DOJ na protektado ang karapatan ng respondents.

Facebook Comments