RITM, nagsasagawa na muli ng COVID-19 RT-PCR test

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na nagsasagawa na muli ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ng COVID-19 RT-PCR testing.

Ito ay matapos na mag-isyu ang Health Facilities and Services Regulatory Bureau ng license to operate sa RITM para sa pagsasagawa ng COVID-19 testing.

Nangangahulugan ito na inalis na ang temporary suspension sa testing services ng RITM.


Sa ngayon ay nakakakapagtala pa rin ang DOH ng halos 1,800 na kaso ng COVID-19 kada araw.

Facebook Comments