DOJ, itinangging nagpalabas sila ng kautusan para imbestigahan si Mayor Vico Sotto

Nilinaw ng Department of Justice na wala itong inilalabas na sulat para pagpaliwanagin si Pasig City Mayor Vico Sotto kaugnay ng paglabag daw ng alkalde sa Bayanihan to Heal as One Act.

Sinabi rin ni Justice Sec. Menardo Guevarra na ano mang penal provisions ng anumang batas ay hindi maaring ipatupad ng Retroactive maliban na lamang kung nagpapatuloy pa ang paglabag o pagkakasala ng isang indibidwal at hindi pa rin natitigil ang paglabag nito.

Pero ayon kay Sec. Guevarra, bilang bahagi ng pagsunod sa direktiba ng Pangulong Duterte, inatasan na ng DOJ ang NBI at ang kanilang mga regional offices sa National Prosecution Service na imonitor ang mga aksyson ng mga Local Government Chief Executives at imbestigahan ang anumang posibleng violation o paglabag sa panuntunan na itinatakda ng InterAgency Taskfoce.


Kabilang dito ang pagka-antala ng delivery ng mga essential goods at galaw ng tao sa ilalim ng ipinatutupad na lockdown.

Facebook Comments