Doj, Itinangging Nagsasagawa Sila Ng Imbestigasyon Laban Kay Asuncion

4

MANILA – Itinanggi ng Department of Justice na may ginagawa silang imbestigasyon laban kay Bureau of Corrections Deputy Director for Operations Rolando Asuncion.Ito ay kaugnay ng pagiging “patong” nito sa operasyon ng iligal na droga sa Muntinlupa City.Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, wala naman silang pending investigation laban kay Asuncion.Sa ngayon aniya, hawak na niya ang kopya ng resignation ni Asuncion pero nasa kamay pa rin ng Office of the President ang pagdedesisyon dito.Una nang sinabi ni Asuncion na kinausap siya ni BuCor Director Benjamin Delos Santos noong Miyerkules (January 4), kung saan sinabi nitong gusto ni Aguirre na mabakasyon na muna siya sa trabaho, habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang kagawaran.

Facebook Comments