Pangulong Rodrigo Duterte, Napanatili Ang Mataas Na Approval At Trust Rating Sa Huling Quarter Ng 2016

7

MANILA – Napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mataas na approval at trust rating na 83 percent sa huling quarter ng 2016, batay sa latest survey ng Pulse Asia.Isinagawa ang survey, mula December 6 hanggang 11, 2016.Sa 1,200 respondents na tinanong, 5 percent sa mga ito ang kumondena sa patakaran ng Duterte administration.13 percent naman ang undecided, at 4 percent ang nagsabing hindi sila nagtitiwala kay Pangulong Duterte.Bagaman mas mababa ito ng 3 percent sa September 2016 survey, ay nananatili namang mataas ang approval at trust rating ng Pangulo sa kabila ng mga pagbatikos hinggil sa kanyang war on drugs.

Facebook Comments