DOJ, kinumpirma ang pagpapakansela ng piskalya sa piyansa ni Sen. Trillanes sa Davao RTC

Manila, Philippines – Kinumpirma ng DOJ ang hirit ng Davao City Prosecutor’s Office sa Davao city RTC na ikansela ang inisyung bail kay Sen. Antonio Trillanes IV kaugnay ng kinakaharap nitong four counts ng kasong libelo.

Sa 7 pahinang urgent motion to cancel bail ,hiniling din ni Davao city Senior Assistant city Prosecutor Joseph Mamburam kay Judge Melinda Dayanghirang na magpalabas ito ng alias warrant of Arrest laban kay Trillanes.

Ayon kay prosecutor Mamburam, umalis ng bansa ang senador nang walang pahintulot mula sa korte na aniyay paglabag sa itinatadhana ng batas.


Una nang nagtungo ng abroad si Trillanes noong Disyembre at nitong Jan 10 lamang ito dumating mula Europe , at sa Jan 27 nakatakda muli itong umalis patunngo naman ng Amerika hanggang sa Pebrero.

Facebook Comments