DOJ, kumbinsidong naglabas ng bilyong piso ang kampo ni Alice Guo para makakuha ng suporta

Naniniwala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na bilyon-bilyon ang ginagastos ng kampo ni dating Bambam, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito’y para protektahan ang tinanggal na mayor sa mga kasong kinahaharap nito.

Ayon kay Secretary Remulla, bagama’t wala siyang ideya kung anong ginagawang hakbang ng kampo ni Guo, alam niya na may mga nasa likod ng dating alkalde ang patuloy na sumusuporta sa kaniya.


Dagdag pa ng kalihim, hindi nila matukoy kung saan nanggagaling ang mga ito pero naniniwala siya sa isiniwalat ni dating Senator Panfilo Lacson.

Nauna nang ibinunyag ni Lacson na ang kanyang kaibigang Filipino-Chinese ay inalok umano ng ₱1 bilyon para tulungan si Guo sa kanyang mga problemang legal.

Nang tanungin naman si Remulla kung siya ay nilapitan upang tulungan si Guo, negatibo ang naging sagot ng kalihim tsaka iginiit na hindi niya ito gawain.

Facebook Comments