Lalagda sa isang kasunduan ang Department of Justice (DOJ) at Philippine General Hospital (PGH), ito ay para mailipat sa pagamutan ang nasa 120 bangkay ng Persons Deprived of Liberty (PDL) na nasa Eastern Funeral Homes.
Sinabi ni DOJ Sec. Boying Remulla na isasailalim sa otopsiya at pathological test ang mga bangkay para alamin ang sanhi ng kanilang kamatayan.
Aniya, ang National Bureau of Investigation (NBI)ang magsasagawa ng pagsisiyasat kung saan ipapasa rin ito sa Philippine National Police (PNP).
Sa ngayon ay hinahanap na ang pamilya ng 176 na bangkay ng PDL para maabisuhan sila at mabigyan ng disenteng libing.
Dagdag naman ng kalihim, pag-uusapan pa rin nila kung paano maasikaso ang pagsusuri sa katawan ng 56 pang bangkay na hindi kaagad madadala sa PGH.