DOJ, magpapalabas anumang araw ng resolusyon hinggil sa kasong kinasasangkutan ng magkapatid na Parojinog

Manila, Philippines – Inaasahang makakapagpalabas na ng resolusyon ang Department of Justice sa lalong madaling panahon hinggil sa reklamong isinampa laban sa magkapatid na Parojinog.

Ito ay makaraang ideklara ng DOJ Panel of prosecutors sa pangunguna ni Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera na submitted for resolution na ang reklamong illegal possession of firearms and explosives at possession of prohibited drugs laban sa magkapatid na Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog at Reynaldo Parojinog, Jr.

Ibig sabihin, dito pag-aaralan ng lupon kung may probable cause o sapat na batayan at kung iaakyat ba ang kaso sa korte.


Kahapon matatandaang isinalang sa inquest proceedings ang dalawa na ngayon ay pansamantalang nakaditene sa PNP Custodial Center.

Samantala, kukwestyunin din ng kampo ng mga Parojinog ang pagkakaditene sa kanila.

Ito ay makaraang magpaso ang 36 hrs reglementory period at hindi pa naisasalang noon sa inquest proceedings ang magkapatid na Parojinog.

Dahil dito, maghahain ng arbitrary detention ang kampo ng mga Parojinog laban sa kanilang arresting officers.

Facebook Comments