Magkapatid na Parojinog mananatili sa PNP-Custodial Center matapos i-inquest

Manila, Philippines – Mananatili sa PNP custodial center si Ozamiz City Vice Mayor Nova Parojinog Echavez at ang kanyang kapatid na si Reynaldo Parojinog Jr. hanggang sa maglabas ng resolusyon ang panel of prosecutors na duminig sa kanilang Kaso.

Ito ay matapos sumailalim sa inquest proceedings ang dalawa sa Camp Crame para sa reklamong Illegal Possession of Firearms and Explosives at Possession of Prohibited Drugs na inihain ng PNP.

Tumagal ng mahigit isang oras ang inquest kahapon kung saan iprinisinta ng CIDG ang mga umano’y nakumpiskang armas sa compound ng mga Parojinog.


Sinabi ng abogado ng mga Parojinog na si Atty. Ferdinand Topacio na hinihintay nalang nila ang resolusyon ng Panel of Prosecutors sa pamumuno ni Senior State Prosecutor JP Navera.

Sa oras na may resolusyon na dito na aniya kikilos ang depensa at mag-sasampa ng kanilang kontra-demanda.

Desidido aniya ang kampo ng mga Parojinog na maghain ng hiwalay na reklamo kaugnay naman sa umanoy paglabag sa article 125 ng revised penal code o sa reglementary period.

Paliwanag ni Topacio, lumipas na kasi ang tatlumpu’t anim na oras na deadline na itinatadhana ng batas bago na-inquest ang dalawa, kaya’t dapat na silang pakawalan ng mga pulis.

Facebook Comments