Manila, Philippines – Sisimulan na ng DOJ na sanayin ang mga prosecutor na itatalaga para humawak ng kasong rebelyon laban sa mga hinihinalang sangkot sa nangyayaring kaguluhan ngayon sa Marawi City.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, ang pagsasanay ay sisimulan kahit na hindi pa man inilalabas ng Korte Suprema ang desisyon nito na ilipat sa Taguig RTC ang pagdinig laban sa Maute Terror Group.
Sinabi ni Aguirre na 30 mga piskal ang kanilang pipiliin para italaga sa 2 panel ng mga prosecutor na sasailalim sa pagsasanay sa continuous trial system.
Base sa continuous trial system, ipinagbabawal ang pagpapaliban sa mga pagdinig maliban na lamang kung ito ay talagang kinakailangan.
Facebook Comments