Pangulong Duterte, hindi kuntento sa takbo ng ilang tanggapan ng pamahalaan

Manila, Philippines – Dismayado si Pangulong Rodrigo Duterte sa bagal ng takbo ng kanyang mga iniuutos sa mga opisyal ng pamahalaan.

Sa talumpati kasi ni Pangulong Duterte sa ika-120 anibersaryo ng Presidential Security Group ay sinabi nito na naiinis na siya dahil hindi pa nabibili ang mga kinakailangang kagamitan sa AFP hospital sa V-Luna.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay nagbigay si Pangulong Duterte ng 500 milyong piso para sa V-luna Hospital para ipambili ng MRI at CT-Scan pero hanggang sa ngayon aniya ay hindi pa ito nabibili na siya namang iknaiinit ng ulo ng Pangulo.


Kaya naman binigyan nalang ni Pangulong Duterte ng 60 araw si Health Secretary Pauline Jean Ubial para mabili ang mga mahahalagang kagamitan na kailangan ng AFP.

Nangako din naman si Pangulong Duterte na matatapos na sa darating na Desyembre ang bagong ospital para sa AFP na kanyang pinagawa.

Muling nangako si Pangulong Duterte sa AFP na ibibigay ng kanyang administrasyon ang kanilang pangangailangan.

Facebook Comments