DOJ, makikipag-ugnayan sa mga social networking sites hinggil sa kampanya kontra online sexual exploitation of children

Makikipag-ugnayan ang Department of Justice (DOJ) sa Facebook, Tiktok at iba’t ibang social media sites, hinggil sa kampanya ng pamahalaan kontra online sexual exploitation of children (OSEC).

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na sila mismo ang lalapit sa mga naturang social networking site para hingin ang kooperasyon hinggil sa naturang pang aabuso.

Hihingin din aniya ng DOJ ang tulong ng mga internet service providers at iba’t ibang telco sa bansa para ma-filter ang mga content na lumalabas online.


Babala ng kalihim, kung hindi makikipagtulungan ang mga nabanggit na stakeholder sa giyera ng pamahalaan kontra OSEC, ay posibleng makasuhan ang mga ito ng accessory sa nasabing krimen.

Facebook Comments