DOJ: Mga suspek sa Degamo murder case, nasa kustodiya na ng BJMP

Hawak na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mga suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at iba pa.

Ito ang kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla sa kaniyang media conference.

Ayon kay Remulla, nailipat na ang mga suspek sa Manila City Jail-Annex sa Bicutan.


Matatandaan na unang nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga suspek.

Sa naunang impormasyon, nag-isyu ang Manila Regional Trial Court o RTC Branch 51 ng commitment order, para mailipat ang mga suspek sa BJMP.

Samantala, ngayong hapon ay magpapatuloy naman ang preliminary investigation ng DOJ sa Degamo murder case.

Facebook Comments