Passenger Ship Safety Certificate ng barko na tumagilid sa baybayin ng Romblon, sinuspinde na ng MARINA

Sinuspinde ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang Passenger Ship Safety Certificate ng MV Helena ng Montenegro Shipping Lines na sumadsad sa Romblon kahapon ng umaga.

Ayon sa MARINA, ito ay upang bigyang daan ang isasagawang imbestigasyon sa naturang insidente.

Tatagal ang suspensyon ng Passenger Ship Safety Certificate ng MV Helena hangga’t walang abiso mula sa MARINA.


Magpapadala rin aniya ang MARINA ng mga inspector at surveyor sa tumagilid na barko.

Samantala, inatasan naman ng MARINA ang Philippine Coast Guard na ihain ang suspension order ng MV Helena sa may-ari ng naturang barko.

Facebook Comments