DOJ, minaliit ang mga mosyon ng mga akusado sa Degamo murder case

Binalewala ni Justice Secretary Crispin Remulla ang mga mosyon na inihain sa korte ng kampo ng mga akusado sa Degamo murder case.

Ayon kay Remulla, taktika lamang ito upang ma-delay ang paglilitis sa mga kaso laban sa mga akusado.

Sa oras aniya kasi na mahatulan ang gunmen sa Degamo murder ay madidiin ang mga principal o utak ng krimen.


Una nang naghain ng iba’t ibang mosyon sa Manila Regional Trial Court Branch 51 ang abogado ng 11 akusado sa Degamo case kaya ipinagpaliban muli ang arraignment sa mga akusado.

Kabilang na rito ang motion to quash para mabasura ang mga kaso at motion to remand para ibalik sa Department of Justice (DOJ) ang pagdinig sa mga kaso.

Naghain na rin ng recantation ang 10 suspect-witnesses kung saan binawi ang kanilang pag-amin at mga nalalaman sa krimen.

Facebook Comments