Liderato ng NPC, pinayuhan si Cong. Arnie Teves na umuwi na sa bansa

Pinayuhan ni Nationalist’s People Coalition o NPC President at Rizal Rep. Michael Jhon “Jack” Duavit ang kanyang kapartido na si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr., na bumalik na sa bansa.

Si Duavit ay isa sa 285 na mga mambabatas na bomoto pabor sa rekomendasyon ng House Committee on Ethics and Privileges na 60-araw na suspensyon kay Teves, at pagtanggal sa kanya bilang miyembro ng mga komite sa Kamara.

Ayon kay Duavit, kung babalik si Teves sa bansa ay mareremdyuhan nito ang resulta ng kanyang mga naging aksyon.


Para kay Duavit, isang kasiraan din sa House of Representatives at ating gobyerno ang paghingi ni Teves ng political asylum sa Timor-Leste.

Paliwanag ni Duavit, ipinapakita kasi ng hakbang ni Teves na walang kakayahan ang ating bansa para proteksyunan ang mga inuusig.

Facebook Comments