Naipadala na ng DOJ ang subpoena sa grupo ni VP Leni Robredo kaugnay ng sedition complaint na inihain ng PNP-CIDG.
Kaugnay ito ng pagkakasangkot ng grupo ni Robredo sa Project Sodoma na naglalayong pabagsakin ang administrasyong Duterte.
Itinakda na rin ng DOJ panel of prosecutors ang preliminary investigation sa August 9 dakong alas dies ng umaga.
Bukod kay Robredo, kasama rin sa mga sinampahan ng reklamong sedition, libel , cyberlibel, estafa, obstruction of justice, at harbouring a criminal ang ilan pang miyembro ng oposisyon at Simbahang Katoliko.
Tiniyak naman ni Justice Sec. Menardo Guevarra na magiging patas sa imbestigasyon ang DOJ Panel at magbabase pa rin ang panel sa mga ipipresentang ebidensiya ng prosekusyon.
Facebook Comments