DOJ, nakatakdang magpalabas ng desisyon sa unang batch ng Dengvaxia case

Manila, Philippines – Inihahanda na ng Department of Justice (DOJ) ang resolusyon sa unang batch ng Dengvaxia cases na isinampa ng Public Attorney’s Office (PAO).

Kasunod ito ng direktiba ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa panel of prosecutors na resulbahin na ang criminal complaints laban kina dating Health Secretary Janet Garin at iba pang kasalukuyan at dating mga opisyal ng health department; zuellig pharma at sanofi pasteur

Oktubre a-30 pa ng nakalipas na taon nang magdesisyon ang panel of prosecutors na submitted for resolution na ang unang batch ng Dengvaxia related complaints.


Ipinagtanggol naman ni Guevarra si PAO Chief Atty. Persida Acosta sa adbokasiya nito kontra sa anti-dengue vaccine

Sinabini guevarra na hindi naman intensyon ni acosta na takutin ang publiko sa anumang negatibong epekto ng bakuna.

Facebook Comments