Pagpatay kay NDFP Consultant Randy Malayao, kagagawan ng NPA SPARU – ayon sa AFP

Kumpyansa ang Armed Forces of the Philippines na kagagawan ng Special Partisan Unit o SPARU ng New Peoples Army ang pagkamatay ni NDFP consultant Randy Malayao.

Ayon kay AFP Public affairs office Chief Col. Noel Detoyato, maituturing na swift justice ang iginawad kay Malayao matapos na mag lie low na ito o hindi na masyadong nakikipag tulungan sa kanilang hanay ang kanilang dating miyembro.

Naniniwala aniya ang AFP na gawain ito ng NPA at ginagamit pa sa kanilang mga propaganda.


Matatandaang si Malayao ay pinatay mismo sa loob ng kanyang sinasakyang bus sa isang bus terminal sa Nueva viscaya at ngayon ay may dalawang persons of interest na ang PNP.

Facebook Comments