DOJ, nakikipag-ugnayan sa DILG para isapinal kung saan ikukulong ang 2 Russian drug suspects

Manila, Philippines – Makikipag-ugnayan ang Department of Justice (DOJ) sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para isapinal ang kung saan ididitene ang dalawang Russian drug suspects na naaresto noong nakaraang taon.

Ito ay kasunod ng naging pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte at Russian Prime Minister Dmitry Medvedev noong ASEAN Summit.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, plano niyang isapinal ang naturang usapin ngayong weekend.


Aniya ay bibigyan ng patas na paglilitis ang mga ito at walang special treatment itong matatanggap.

Naaresto si Yuri Kirdyushkin noong October 5 dahil sa pag-iingat ng 10 kilong cocaine habang si Anastasia Novopashina ay nakuhaan ng 13 kilo ng cocaine.

Una nang inalmahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagbibigay ng special treatment sa naturang dalawang Russian nationals.

Facebook Comments