DOJ, nakipag ugnayan sa DOH hinggil sa 900 bilibid inmates na sabay sabay nagka diarrhea

Manila, Philippines – Nakikipag ugnayan na ang Department of Justice sa Department of Health hinggil sa 900 mga bilibid inmates na tinamaan ng diarrhea.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, magpapadala ang DOH ng mga doktor sa NBP upang matukoy ang sanhi ng pagkakaroon ng diarrhea ng mga preso.

Personal ding binisita ni Aguirre ang mga bilanggo at nagbigay ng 2,000 bote ng energy drink at 4,000 pirasong saging na saba.


Siniguro din ng kalihim na kung sinadya ang pagkakasakit ng mga preso ay mananagot ang nasa likod nito.

Kaugnay nyan, tiniyak din ni Aguirre sa mga kamag-anak ng bilibid inmates na tutugunan nila ang problemang medikal ng mga ito dahil prayoridad anila ang kalusugan ng mga bilanggo.
DZXL558

Facebook Comments