Halos isang daang flights, apektado ng emergency runway repair sa NAIA

Manila, Philippines – Halos isang daang flights ang maapektuhan ng emergency pothole repair sa NAIA international runway

Ang biglaang repair sa runway 13/31 ay nagsimula kaninang ala una ng hapon at ito ay tatagal sa loob ng apat na oras.

Bunga nito, limitado lamang ang international runway sa international flight operations at maliliit na eroplano lamang ang kayang i-accommodate hanggang sa Airbus A320 series.


Ilang international flights na ang na-divert sa Clark International Airport.
DZXL558, Joyce Adra

Facebook Comments