Handa ang Department of Justice o DOJ na paimbestigahan ang sinasabing “tongpats sytem” sa Department of Agriculture o DA.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, sa ngayon ay kinakailangan lamang na makakuha sila ng mga impormasyon hinggil sa sinasabing “tongpat”s o suhulan sa DA partikular sa meat importation.
Tinitiyak ng kalihim na sa sandaling makita niya na may sapat na basehan para sa malalimang imbestigasyon ay agad niya itong ire-refer sa National Bureau of Investigation o NBI o sa Task Force Against Corruption.
Una nang nanawagan sa DOJ at NBI ang Pork Producers Federation of the Philippines na pumasok na sa nasabing imbestigasyon.
Ito ay lalo na’t sa halip daw na pumanig sa kanila ang DA ay nagpapahirap pa raw sa mga magsasaka na apektado na nga ng smuggling, African Swine Fever (ASF), at sobra-sobrang importasyon.