DOJ, nanghihinayang sa pag-alis ni Senator Ping Lacson sa Blue Ribbon Committee

Nanghihinayang ang Department of Justice (DOJ) sa desisyon ni Senator Ping Lacson na magbitiw bilang Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, malaki ang naitulong ng imbestigasyon ng Senado sa ilalim ni Lacson sa maanomalyang flood control projects.

Malaki aniyang kawalan si Lacson dahil na rin sa ambag nito at itinuturing din daw niya na isa sa pinakamagaling mag-imbestiga sa Pilipinas.

Sa ngayon, pabalik-balik sa DOJ ang mga indibidwal na dawit sa flood control issue para sa pagpapatuloy ng pagsusumite ng mga ebidensiya at case build up laban sa mga dawit sa anomalya.

Samantala, matapos naman mapabilang sa shortlist ng Judicial and Bar Council (JBC) sa aplikasyon bilang susunod na Ombudsman, sinabi ng kalihim na business as usual pa rin at magpapatuloy pa rin sa ngayon ang kaniyang trabaho sa Justice Department.

Facebook Comments