DOJ, nanindigan na walang ligal na obligasyon ang Pilipinas sa ICC

Nanindigan ang Department of Justice (DOJ) na walang ligal na obligasyon ang Pilipinas para makipagtulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng naging giyera kontra droga ng Duterte administration.

Ayon sa DOJ, ang anumang presensya sa bansa ng international bodies gaya ng ICC ay dapat alinsunod sa Konstitusyon at mga batas ng Pilipinas.

Sinabi ng DOJ na kinakailangan ng pag-apruba ng mga ahensya tulad ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of the Interior and Local Government (DILG), at DOJ bago makapagsagawa ng aktibidad sa teritoryo ng bansa ang dayuhang entities.


Nilinaw rin ng DOJ na walang abiso mula sa DFA na nakarating na sa bansa ang ICC investigators.

Naipakita na rin aniya ng bansa na handa at may kapasidad ito na imbestigahan at papanagutin ang anumang krimen na nangyari sa Pilipinas.

Facebook Comments