DOJ, nanindigang hindi maaring magsagawa ng imbestigasyon sa bansa ang ICC

Sa plenary deliberations ng Kamara sa proposed 2023 national budget ay nanindigan ang Department of Justice (DOJ) na hindi maaring magsagawa ng imbestigasyon sa bansa ang International Criminal Court (ICC) kaugnay sa umano’y mga paglabag sa karapatang pantao ng war on drugs ng Duterte administration.

Ang posisyon ng DOJ ay inihayag ni Davao de Oro Rep. Ruwel Peter Gonzaga na siyang nagdi-depensa sa panukalang pondo ng DOJ sa susunod na taon na nagkakahalaga ng mahigit 26.6 billion pesos.

Tinanong ni Gabriela Rep. Arlene Brosas kung ano ang tugon ng DOJ sa request ni ICC prosecutor Karim Khan na buksan ang imbestigasyon sa umano’y mga human rights violation ng administrasyong Duterte dahil hindi sapat ang mga hakbang ukol dito ng ating pamahalaan.


Ayon kay Representative Gonzaga, binibigyang-diin ng DOJ na nagtatrabaho ang mga ahensya ng gobyerno upang maparusahan ang mga lumalabag sa batas.

Sabi ni Gonzaga, iginiit ng DOJ na patunay rito ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng mga otoridad at pagsasamapa ng mga kaso.

Facebook Comments