PBBM, nakipagpulong kay Secretary-General of the United Nation António Gutteres

66

Nakipagpulong si Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) kay Secretary-General of the United Nation António Gutteres kahapon sa New York City sa Estados Unidos.

Sideline meeting ito nina Pangulong Marcos at Guterres.

Pinag-usapan ng dalawa ang kooperasyon at suporta sa isa’t isa at tinalakay rin ng dalawa ang usapin sa international situation at climate action activities.


Nasa New York ang pangulo at dumadalo sa 77th United Nations General Assembly (UNGA) at nakatakdang bumalik sa Pilipinas sa September 24.

Facebook Comments