DOJ, naniniwala na sapat na ang imbestigasyon ng Senado sa 6.4- Billion shabu shipment

Manila, Philippines – Kumbinsido ang Dept. of Justice na sapat na ang mga imbestigasyon sa Senado sa P6.4-Billion na halaga ng shabu shipment mula sa China.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, sapat na ang ginagawa ng Senado sa naturang isyu kung saan makailang ulit nang nagsagawa ng pagdinig ang kapulungan.

Naniniwala si Aguirre na pinalalaki lang ang naturang usapin at pinalalabas na mistulang “family affair” ang mga nangyayari sa customs.


Sinabi pa ng Kalihim na halatang ang nais tumbukin sa imbestigasyon ay ang pangalan ng ilang personalidad tulad ni Davao City Vice Mayor Paulo Duterte at Atty. Manases Carpio- na mister ni Mayor Sara Duterte.

Ayon kay Aguirre, panahon na para maglabas ng mga ebidensya ang mga nagpaparatang sa mga Duterte para may basehan ang Senado kung sinu-sino ang mga dapat ipatawag sa susunod na hearing.

Facebook Comments