DOJ, nasita sa mali-maling interpretasyon sa kontrata ng TADECO at BuCor

Manila, Philippines – Pinuna ng Tagum Agricultural Development Company ang umano’y legal misinterpretations ng Department of Justice sa kontrata ng Bureau of Corrections sa TADECO.

Ayon kay TADECO President and CEO Alex Valoria, mali-mali ang interpretasyon ng DOJ base sa findings nito sa Joint Venture Agreement (JVA).

Sa katunayan, ang rekumendasyon aniya ng DOJ panel na amyendahan ang kasunduan para maging compliant sa batas ay indikasyon na kinikilala ng ahensya na valid ang kontrata.


Punto pa ni Valoria, hindi rin masasabing labag sa government procurement act ang JVA ng BuCor at TADECO dahil walang pinag-uusapang procurement dito para kailanganin ang bidding.

Dagdag pa nito, hindi lamang binabayaran ng TADECO ang BuCor para sa annual production at profit share kundi nagbibigay rin ng pondo para sa inmate farm workers training and exposure program.

Ang tagumpay pa lamang aniya ng rehabilitation program sa ilalim ng JVA ay hindi na matatapatan ng anumang halaga ng pera.

DZXL558

Facebook Comments