DOJ nilinaw na walang kinalaman ang kasong libelo laban kay Trillanes sa pagbawi ni PRRD sa kanyang amnesty

Manila, Philippines – Iginiit ng Department of Justice (DOJ) na nagkataon lamang na ang pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipawalang bisa ang ipinagkaloob ni dating Pangulong Noynoy Aquino na amenestiya kay Senador Antonio Trillanes IV sa kasong libelo na isinampa naman sa piskalya sa Davao City laban sa senador.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, bahala na aniya ang Davao City Prosecutor’s Office na resolbahin ang kaso ni Trillanes sabay ang pagtitiyak na hindi makikiaalam ang DOJ.

Paliwanag ni Guevarra na ang pasya ni Pangulong Duterte na ipawalang-bisa ang ipinagkaloob na amnestiya sa senador ay pawang “coincidental” lamang at walang kaugnayan sa pagsampa ng kaso ng libelo sa Davao City Prosecutors Office.


Ang kaso libelo laban sa senador ay nag-ugat dahil sa mga mapanirang pahayag ni Trillanes laban kay resigned Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at bayaw nitong si Atty. Manases Carpio, asawa ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Matatandaan na nitong Setyembre a-6 nang isampa ang mga reklamong libelo laban kay Trillanes nang akusahan nito ang nakababatang Duterte at si Carpio na sangkot umano sa extortion activities sa Uber at iba pang ride-sharing firms.

Facebook Comments