DOJ, nirerespeto ang separation of powers ng mga sangay ng pamahalaan kaugnay sa hiling ni Sen. De Lima na makadalo sa ilang deliberasyon sa Senado

Manila, Philippines – Nirerespeto ng Department of Justice ang separation of powers ng mga sangay ng pamahalaan kaugnay ng kahilingan ni Senator Leila De Lima na makadalo sa ilang deliberasyon ng Senado.

Ayon kay Justice Usec. Erickson Balmes, ang kaso ni De Lima ay nakasampa na sa hukuman kaya’t ipinauubaya na nila sa korte ang pagpapasya hinggil dito.

Matatandaang hiniling ng nakapiit na senadora kay Senate President Koko Pimentel na bigyan siya ng pagkakataon para makadalo sa ilang mahahalagang deliberasyon dahil nananatili pa rin naman siyang senador ng bansa.


Umani naman ito ng magkakaibang reaksyon mula sa mga kapwa nito Senador kung saan suportado ito ng kanyang mga kapartido habang ang iba naman ay tingin dito ay isang uri ng special treatment.
DZXL558

Facebook Comments