DOJ, pabibigatin pa ang kasong murder laban kay Arnolfo Teves Jr. matapos mamatay ang isa pang biktima na tinaguriang Pamplona Massacre

Dadagdagan ng Department of Justice (DOJ), ang mga kasong murder na kinakaharap ni suspended Cong. Arnolfo Teves Jr.

Ito ay matapos na mamatay ang isa pang biktima sa Pamplona Massacre.

Ayon sa Justice Department, plano nilang gawing 10 multiple murder cases ang kaso ni Teves mula sa 9.


Kinilala ang ika-10 biktima ng pamamaril noong March 4 sa Negros Oriental na si Fredilino Cafe Jr. alyas putok.

Nabatid na labas-pasok sa ospital si Fredilino, dahil sa mga natamo nitong malubhang pinsala sa katawan bunga ng pamamaril.

Sinabi ni Justice Secretary Boying Remulla, sisikapin nilang maihain ang karagdagang kaso laban kay Teves ngayong Linggo.

Aniya, aamyendahan nila ang naunang reklamo dahil sa pagkamatay ng isa pang biktima.

Facebook Comments