DOJ, pinakikilos sa isyu ng secret cell

93

Manila, Philippines – Hinimok ni Siquijor Cong. Rav Rocamora ang Department of Justice na manghimasok sa isyu ng natuklasang secret cell sa Maynila.

Giit ni Rocamora, dapat ay magkaroon ng sariling imbestigasyon dito ang DOJ.


Ayon kay Rocamora, ang operasyon ng sikretong kulungan ay anino pa ng batas militar na hindi na dapat nagpapatuloy sa kasalukuyan.

Hinamon pa ng mambabatas si PNP Chief Bato Dela Rosa na maging agresibo sa pagpaparusa sa mga tauhang lumalabag sa batas sa halip na ipagtanggol pa ang mga ito.

Samantala, iginiit naman ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na walang kaugnayan sa ASEAN ang pagkakatuklas sa secret cell kaya hindi dapat sisihin ang Commission on Human Rights dito.

Magkaiba aniya ang isyu ng secret cell sa ginanap na ASEAN at walang pakialam dito ang ibang mga bansa.




Hindi rin siya sang-ayon sa naging pagtatanggol ni bato sa MPD gayong malinaw naman ang mga paglabag at sana ay hinayaan muna lumabas ang resulta ng imbestigasyon.

DZXL558

Facebook Comments