Makati Police, nagpakalat ng beat patrollers sa Kalayaan-Cembo area kaugnay ng talamak na snatching sa lugar

92

Makati City, Philippines – Nagpakalat na ang Makati Police ng beat patrollers sa Kalayaan Avenue, Cembo, Makati City.

Sa harap ito ng mga reklamo hinggil sa talamak na snatching ng cellphones at bags sa mga naglalakad sa lugar.

Batay sa reklamong natanggap ng DZXL RMN News, kahit tanghaling tapat ay malakas ang loob ng mga masasamang elemento na nakasakay sa motorsiklo at nanghahablot sa mga bag at cellphone ng mga naglalakad sa lugar.

Una na ring inalerto ng Southern Police District ang Makati City Police kaugnay ng naturang mga insidente.

DZXL558

Facebook Comments