Inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na silipin at inspeksyunin ang mga imbakan nito ng armas at bala para maiwasan ang posibilidad ng anumang pagsabog.
Ito ang pahayag ng kalihim kasunod ng malakas na pagsabog sa Lebanon na ikinamatay ng dalawang Pilipino.
Aminado naman si Guevarra na wala siyang alam kung may presensya ng mga mapanganib na materyal sa NBI compound.
Gayumpaman, pinayuhan ni Guevarra ang NBI na gawin ang kinakailangang pag-iingat sa kanilang armory.
Nabatid noong August 13, 2000, nagkaroon ng pagsabog sa Special Investigation Division Office ng NBI kung saan pito ang namatay.
Isinisisi ang kawalan ng pag-iingat sa pagtatago ng explosive materials na nasasabat mula sa mga raid.